Home HOME BANNER STORY Tag-ulan na!

Tag-ulan na!

MANILA, Philippines – Pormal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan o rainy season.

Sa press release ng PAGASA nitong Miyerkules ng hapon, Mayo 29, nagdala ng malalakas na pag-ulan ang pagdaan ng Bagyong Aghon at Southwest Monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.

Ang dami ng ulang ibinuhos sa nasabing weather system ang hudyat ng pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.

Dagdag pa rito, pinatataas ng La Nina conditions na posibleng umiral sa Hulyo, Agosto at Setyembre, ang above-normal rainfall conditions sa ilang lugar sa bansa.

Sa kabilang banda, posibleng magkaroon ng mga break sa mga pag-ulan ng ilang araw o ilang linggo na tinatawag na monsoon breaks.

Patuloy naman na tututok ang PAGASA sa lagay ng panahon sa bansa at inabisuhan ang publiko na mag-ingat sa posibleng epekto ng tag-ulan, Habagat at La Nina. RNT/JGC