Home TOP STORIES Tagumpay ng modernong pamilyang Pinoy, dapat ang pangunahing agenda

Tagumpay ng modernong pamilyang Pinoy, dapat ang pangunahing agenda

Bagaman masaya, higit na nagiging maingat ang Pamilya Ko Partylist makaraang pumasok sa mataas na antas ng pangunguna sa preference ng modernong pamilyang Filipino.

“Sa Mataas na suporta ng modernong pamilyang Filipino tinatapik namin ang balikat namin, pero mas nag-iingat kami at inaalam ang pagkukulang o maaaring pagkakamali kung mababa sa survey”, sabi ni Atty. Anel Diaz, first nominee ng Pamilya Ko Partylist, makaraang dalawa sa tatlong respetadong survey firms ang nagtala sa kanila sa top ten mula sa 156 Partylist na pinipili ng mga botante para sa 2025 Partylist election .

Kumbinsido si Atty. Diaz na nagugustuhan sila ng mga botante dahil sa kanilang service/outreach performance sa nakalipas na ilang taon sa mga komunidad.

Sinabi niya na sila sa Pamilya Ko Partylist ang nag-iisang partylist na nagsusulong ng interes at pangangailangan ng ibat-ibang anyo ng modernong Pamilyang Pilipino.

Lagi umano nilang binibigyang diin ang equality o pagkakapantay- pantay sa kanilang pag-iikot kagaya sa first class municipality ng Taytay Rizal nitong Huwebes, bunsod ito ng kadalasang nararanasan ng modernong pamilya na diskriminasyon o paglibak ng ibang tao.

Kaya sa lahat aniya ng mga batas na kanilang isusulong ay nakaugat sa usapin ng pagkakapantay pantay na tumutukoy sa mga pamilyang nasa kondisyones na tinatawag nilang LOVABLES na kinabibilanagn ng live-in parents, OFW Parents, Victims of Domestic Abuse, Adoptive Families, Blended Families, Lgbtqiaplus Families, Elderly Extended Families at Single o Solo Parents na kadalasang iba ang pakikitungo sa kanila ng lipunan. Dave Baluyot