MANILA, Philippines – Bumaba sa 1.95 milyon ang bilang ng mga walang trabaho noong Hunyo 2025, mula 2.03 milyon noong Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Ito na ang ikalawang sunod na buwang may pagbaba.
Gayunman, mas mataas pa rin ito kumpara sa 1.62 milyon noong Hunyo 2024.
Naitala ang unemployment rate sa 3.7% ng 52.42 milyong lakas-paggawa, na katumbas ng 37 sa bawat 1,000 Pilipino na walang hanapbuhay. Santi Celario