MANILA, Philippines – Iniatas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 60-araw na suspensyon ng rice imports simula Setyembre 1, 2025, upang protektahan ang mga lokal na magsasaka sa gitna ng pagbaba ng presyo ng palay ngayong anihan.
Batay ito sa rekomendasyon ng Department of Agriculture, na una ring nagpanukala ng dagdag na taripa—bagamat ipinagpaliban muna ito.
Bumaba na sa ₱15–₱16 kada kilo ang presyo ng palay, mas mababa sa break-even na ₱23–₱27.
Babala ng DA, ang patuloy na importasyon ay maaaring makasama sa susunod na taniman.
Pinapalakas din ng gobyerno ang pagbili ng palay at pasilidad para sa post-harvest. Santi Celario