Bulacan – Arestado ang binata na hinihinalang tulak matapos umanong mahulihan ng P300,000.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Obando.
Kinilala ng pulisya ang suspek na kabilang sa High Value Individual (HVI) na si alyas John Andrei, 21, walang trabaho, residente ng Brgy. Hulo.
Sa report ni Obando chief of police P/Maj. Mark Anthony Tiongson kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, ikinasa ang ooerasyon bandang 1:30 ng madaling araw nitong Hulyo 17 sa Brgy. Hulo.
Nakumpiska sa operasyon ang nasa 1.5 kilograms na pinaghihinalaang marijuana na may standard price P300,000.00.
Ayon kay Tiongson, iniiskor ng suspek ang iligal na droga sa kanyang source sa Caloocan at pinaniniwalaang itinutulak naman sa kanyang mga parokyano sa kanilang lugar.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 and 11 of Art. II of RA 9165 habang nakakulong sa naturang istasyon. (Dick Mirasol III)