Home ENTERTAINMENT Tampuhang Sharon at KC, gimik lang daw!

Tampuhang Sharon at KC, gimik lang daw!

Manila, Philippines- Hindi na bago ang mga hanash ni KC Concepcion kay Sharon Cuneta.

Neither is Sharon giving KC the right to express herself anything new at all.

Ito ang buod ng ipinadalang mensahe ng isang ‘di pinangalanang talent manager sa PEP at chief editor nito.

This is in the light of talks na naipahayag ni KC ang kanyang mga sentimyento makaraang i-unfollow niya ang stepdad na si Kiko Pangilinan at mga kapatid sa inang si Sharon.

Ayon sa manager base sa exclusive story ng PEP, peke lang umano ang namamagitang sigalot sa mag-ina.

Kinailangan daw kasing paingayin ng mga ito ang kanilang respective projects.

Sa October 27 na ang reunion concert nina Sharon at Gabby Concepcion.

Apart from this, may entry pa si Sharon sa darating na Metro Manila Film Festival, ang A Mother and a Son’s Story kasama si Alden Richards.

Si KC naman ay may ire-release na pelikula, ang Asian Persuasion.

Naniniwala ang anonymous talent manager na kung meron mang existing gap ang mag-ina’y ireresolba nila ito within the family nang hindi na ipinaaabot sa publiko o social media.

Pinuri pa ng manager si Sharon na sa kabila ng maraming roles sa buhay na ginagampanan aside from being a singer-actress: “She is a mother, first and last.”

Hindi raw gugustuhin ni Sharon “to put any of her children in a bad light.” Ronnie Carrasco III