Home METRO Tanay, Rizal NPA-free na!

Tanay, Rizal NPA-free na!

MANILA, Philippines- Idineklara ang bayan ng Tanay sa Rizal na malaya na sa presensya ng communist New People’s Army (NPA), ayon sa Philippine Army nitong Huwebes.

Inanunsyo ito ng 2nd Infantry Division sa seremonya sa Tanay Municipal Hall nitong Lunes, sa pangunguna ni division commander Maj. Gen. Roberto Capulong kasama ang ibang local government officials.

Tampok din sa seremonya ang redeclaration sa NPA at sa political wing nitong Communist Party of the Philippines at National Democratic Front bilang persona non-grata sa nasabing bayan.

“The declaration of Tanay as ‘insurgency-free’ is a testament to our unwavering dedication and collective efforts,” pahayag ni Capulong.

“This achievement represents a significant stride towards a peaceful and prosperous future not only for Tanay but the entire Rizal province,” patuloy niya.

Itinatag noong March 29, 1969, sa kasalukuyan ay mayroong halos 2,112 pwersa ang NPA na may 1,800 armas sa arsenal nito, ayon sa pinakabagong military estimates.

Sinabi naman ng National Security Council na malakas pa rin ang presensya ng NPA sa Northern Samar. RNT/SA

Previous articleIlang biyahe ng PNR, suspendido sa pagsasaayos ng sistema
Next articleBIDA Sports and Cultural Fest, umarangkada!