Home METRO Tandem pinulbos ng bala ng rider, todas

Tandem pinulbos ng bala ng rider, todas

Bulacan – Dead on the spot ang magkaangkas sa motorsiklo matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang motorcycle rider sa bayan ng Marilao.

Sa report ng Marilao police, naganap ang insidente, nitong gabi ng Martes, Abril 8 sa Northville 4B, Brgy. Lambakin.

Ayon sa report, kinilala ang mga napatay na si alyas Edwin, residente ng Northville 4B, Brgy. Lambakin at isang hindi nakilalang babaeng angkas na nasa edad 2-=0-anyos pataas.

Pauwi na ang mga biktima nang papatukan ng gunman na nakasuot ng itim na long sleeves, facemask at lulan ng Yamaha Mio motorcycle halos limang metro ang layo sa kanilang inuupahang bahay, base sa impormasyong nakalap.

Napag-alamang agad na tumakas ang suspek sa direksyon patungong lungsod ng Meycauayan.

May mga report na nakitaan umano ng 38 sachets ng hinihinalang shabu sa short ng lalaking biktima at may baril na nakasukbit sa bewang nang iproseso ng mga awtoridad.

Tinatayang siyam na bala ng caliber .45 ang inubos ng gunman na kalaunan ay narekober ng mga awtoridad na patuloy nagsasagawa ng imbestigasyon.

Sinasabing nasa dalawang linggo pa lamang nakatira ang mga biktima sa inuupahang bahay sa nasabing lugar. Dick Mirasol III