MANILA, Philippines- Humigit-kumulang 115,000 Pilipino ang nawawala bawat taon sa mga sakit na dulot ng alkohol, tabako at vaping, ayon sa Institute for Health Metrics and Evaluation Global Burden study.
Natuklasan din sa pag-aaral na nagdudulot ito ng malawakang disabilities at nakababawas ng productivity.
Nanawagan si Dr. Hector Santos, presidente ng Philippine Medical Association (PMA) na magkaroon ng isang malakas na paninindigan pabor sa mga patakan sa kalusugan ng publiko upang pigilan ang dumaraming bilang ng mga namamatay.
Ang kampanya na pinamumunuan ng isang koalisyon ng mga medical societies at public helth groups kabilang ang Sin Tax Coalition ay nanawagan para sa patuloy na suporta sa Sin Tax Lawn at sa mga reporma nito noong 2020.
Hiniling din ng grupo kay DOH Secretary Ted Herbosa na gumawa ng proactive approach laban sa paninigarilyo at vaping matapos lumabas ang kanyang larawan kasama ang ilang executives mula sa Philip Moris Fortune Tobacco Co.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng DOH na patuloy nitong tinatanggihan ang lahat ng donasyon ng tobacco industry nito o sa ahensya o units nito.
Binigyang-diin niya na ang paggamit ng tabako ay pangunahing risk factor para sa cardiovascular at respiratory diseases.
Binanggit din ng DOH na noong nakaraang taon, isang 22-anyos na Pilipinong lalaki ang namatay dahil sa atake sa puso kasunod ng matinding pinsala sa baga na nauugnay sa kanyang araw-araw na paggamit ng vape sa loob ng dalawang taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden