Home METRO Taniman ng marijuana sa Mt. Province winasak ng PNP, PDEA

Taniman ng marijuana sa Mt. Province winasak ng PNP, PDEA

MT. PROVINCE- Nagkakahalaga ng P3,060,000.00 na fully grown marijuana plants at dried marijuana leaves ang winasak ng mga awtoridad sa nadiskubre nilang taniman ng marijuana sa Mount Chalimuno, Brgy. Saclit, Sadanga ng lalawigang ito kahapon, Pebrero 9.

Nagsasagawa ng marijuana eradication operation doon sa naturang bundok ang mga pinagsanib na grupo mula sa PDEA-CAR Mt. Province Provincial Office at mga local police units nang madiskubre nila ang taniman ng marijuana.

Tinatayang may lawak na 1,500 square meters ang naturang lupa at natatamnam ng ito ng humigit-kumulang sa 10,500 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P2,100,000.

May nakita rin doon sa lugar na dried marijuana leaves and fruiting tops na tinatayang tumitimbang ng 3000 gramo at limang bricks ng dried marijuana leaves.

Ayon sa mga awtoridad, nasa P960,000 naman ang halaga ng mga ito.

Matapos pagbubunutin ang mga fully grown marijuana ay sinunog nila ang mga ito kasama ang mga nadiskubre nilang limang bricks ng dried marijuana leaves at dried marijuana leaves and fruiting tops.

Walang naaresto ang mga otoridad na marijuana cultivator sa naturang taniman ng marijuana. Rolando S. Gamoso