
Developing Story – Inihayag ng Philippine Coast Guard ang paglubog ng isang Philippine-flagged tanker na may bitbit na 1.4 milyong litro ng langis sa karagatang sakop ng Bataan nitong Huwebes ng umaga.
Pinangangambahan ngayon magdulot ng oil spill ang lumubog na MT Terra Nova sa Lamao Point, Limay, Bataan.
Isang crew naman ang naitalang nawawala habang nailigtas ang 17 iba pang crew ng nasabing barko.
“We were able to rescue 16 out of 17 crew, one is missing,” ayon kay Transport Secretary Jaime Bautista sa isang briefing.
I-refresh lang ang pahinang ito para sa karagdagang detalye. RNT