Home METRO Tanker truck bumangga sa poste sa SLEX; langis tumagas

Tanker truck bumangga sa poste sa SLEX; langis tumagas

SLEX via Pinoy Joyride FB Page

MANILA, Philippines – Bumangga ang isang tanker truck sa South Luzon Expressway (SLEX) sa isang konkretong poste, dahilan para mag-iwan ito ng oil spill at nagdulot ng maraming aksidente sa motorsiklo nitong Sabado ng umaga.

Base sa ulat na alas-8:10 ng umaga nangyari ang aksidente sa trak sa Pasay City.

Binabaybay ng sasakyan na may plate number UKS170, ang southbound lane ng expressway nang bumangga ito sa isang konkretong poste sa Skyway ground level, na nagdulot ng oil spill sa magkabilang linya.

Marami umanong motorsiklo ang nadulas at nabangga dahil sa oil spill, batay sa mga panayam sa mga responders kung saan idiinala ang ilang sugatang rider sa isang healthcare facility sa Villamor Air Base.

Tumulong ang pulisya sa pagdidirekta ng trapiko at pag-asikaso sa mga nasugatang biktima.

Kinilala ni SPD Director Police Brigadier General Mark Pespes ang driver na si Bernie Rivas, residente ng Muntinlupa City.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng SPD ang insidente. RNT

Previous articleKalusugan ni Pope Francis bumubuti na
Next articleCBCP tutol sa pagmay-ari ng sibilyan ng semi-automatic weapon