MANILA, Philippines – Bumuti na ang kalusugan ni Pope Francis nitong Biyernes, Marso 8, habang pinamunuan ang isang ritwal sa isang parokya sa Roma nang walang mga palatandaan ng pagkapagod mula sa bronchitis na dahilan para malimitahan ang kanyang aktibidad sa naklipas na dalawang linggo.
Nakita ang Santo Papa ng pagiging normal sa kaniyang pagbisita ng ilangoras sa parokya ng Rom sa St.Pius V, na di kalayuan sa Vatican.
Binasa ang kaniyang Homiliya sa tema ng pagpapatawad—sa halip na magtalaga ng isang aide na magsalita para sa kanya tulad ng kadalasang ginagawa niya mula noong huling bahagi ng Pebrero.
Hinikayat ng papa ang mga pari na huwag maging seryoso sa pagdinig ng mga pagtatapat ng mga mananampalataya at huwag masyadong manghimasok sa pribadong buhay ng isang tao.
Peberro 28 nang dalhin si Francis sa ospital malapit sa Vatican para matsek at sumailalim sa CT scan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)