Home METRO 3 drug den operators timbog

3 drug den operators timbog

GENERAL SANTOS CITY- Arestado ang tatlong drug den operator sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad noong Sabado sa lungsod na ito.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency, Aileen Lovitos, director ang mga nadakip na suspek na sina Bryan Dumaloy, 33-anyos, Joven Guadalupe, 35-anyos, at Christopher Magbanua, 48, kapwa taga-Barangay City Heights, General Santos City.

Nakuha sa mga suspek ang pitong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Nakabili rin ang operatiba ng P26,000 halaga ng shabu sa mga suspek.

Nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek. Mary Anne Sapico