MANILA, Philippines- Tiniyak ng pamahalaan sa publiko, partikular sa mga naninirahan sa Metro Manila, na hindi babawasan ang supply sa pagtapyas nito sa alokasyon para sa irigasyon bilang paghahanda sa domestic consumption needs.
Sinabi ni Environment Undersecretary Carlos Primo David na babawasan ng 1 cubic meter per second (cms) ang matatanggap ng National Irrigation Administration (NIA) para sa irigasyon.
“Nevertheless, even if we cut it by 1 cubic meter per second, there will still be no interruptions because we are now working with NIA in terms of how much water it needs on a particular day or week,” pahayag ni David nitong Biyernes.
Ani David, magpupulong sila sa May 15 upang matukoy kung pananatilihin ang 50-cms allocation sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) o babawasan ang raw water na kinukuha sa Angat Dam.
Nagdesisyon ang National Water Resources Board (NWRB) na huwag baguhin ang 50-cms allotment para sa MWSS mula May 1 hanggang May 15 upang tugunan ang tumataas na demand para sa tubig sa gitna ng matinding init.
Upang mapanatili ang alokasyon, ipinaliwanag ni David na kinailangang tapyasan ang irrigation allocation, subalit inaasahang mangangailangan ang NIA ng higit na tubig mula sa Angat Dam sa susunod na buwan para sa contract-growing schemes ng mga magsasaka.
“I have to allocate some water also for them even until June when the dry season is expected to end. They will be given water from Angat Dam until June, for some areas that they contracted for the farmers to grow,” anang opisyal. RNT/SA