Home ENTERTAINMENT Paolo, masama ang loob, nag-abroad!

Paolo, masama ang loob, nag-abroad!

Manila, Philippines – Kauna-unawa ang pakiramdam ni Paolo Contis ngayong wala na ang hino-host niyang Tahanang Pinakamasaya.

Bale ba, nabanggit niya sa kanyang manager na lalong may dahilan ngayon ang aktor para pag-ipunan ang pangarap niyang bahay.

Having lost considerable income, ewan kung baka tumagal pa before Paolo realizes his dream of having a house built.

Bukod nga sa “hagulhol school of acting” ni Paolo sa loob ng dressing room sa mismong araw ng live telecast ng TP last March 2 ay kasunod nito ang nais ng aktor na mapag-isa.

Supposedly, Paolo’s kumpare Ogie Diaz wanted to interview him.

Pero nag-beg off daw ang aktor: “Mare, huwag muna ngayon. Gusto ko lang mapag-isa.”

Iginalang naman ‘yon ni Ogie at hindi na nangulit.

As we write this, balitang dahil sa sama ng loob sa kapalarang sinapit ng TP ay nag-empake si Paolo.

Out of the country ang aktor ngayon who’s with his girlfriend Yen Santos for sure para damayan siya.

Baka sa kanyang pagbabalik ay ganap nang nahimasmasan si Paolo.

It’s not the end of the world, after all. Ronnie Carrasco III

Previous articlePlebesito sa Marawi sa Marso 9, all set na!
Next articleKalusugan ni Pope Francis bumubuti na