MANILA, Philippines- Patay ang isang opisyal ng barangay matapos siyang saksakin ng kapwa tanod sa Ermita, Maynila, iniulat ng pulisya nitong Biyernes.
Sinabi ng Manila Police District (MPD) na ang biktima na si Reynan Pornobi ay naka-duty bilang helper sa kantina sa Natividad Lopez Street sa Ermita noong Abril 25 nang pumasok ang suspek at nakipagtalo.
Sa gitna ng kanilang pagtatalo, bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak nang paulit-ulit ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nagpasaklolo ang may-ari ng kantina sa MPD Lawton Station na nagresulta sa agarang pagkaaresto ng suspek.
Ayon sa MPD, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na kakasuhan ng murder. Jocelyn Tabangcura-Domenden