Home METRO Tanod naingayan, 20-anyos binaril-patay!

Tanod naingayan, 20-anyos binaril-patay!

MASBATE CITY РPinagbabaril  hanggang sa mapatay ng isang barangay tanod ang isang 20-anyos na estudyante dito sa syudad.

Base sa imbestigasyon, nagkakatuwaan umano ang biktima kasama ang kanyang mga kaklase sa boarding house nito nang mapadaan ang 27-anyos na suspek.

Dito ay naingayan umano ang suspek sa mga estudyante.

Posible umanong lasing ang suspek nang sandaling iyon at nagmaoy pagkatapos ay sinita ang mga estudyante.

“Bumaba itong biktima para mag-CR o doon sa comfort room, kaya lang nandoon pala itong suspek at inabangan pala siya kaya sinundan siya doon sa comfort room at doon na siya binaril,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Ariel Neri, hepe ng Masbate City Police Station.

Nagawa namang mahuli ang suspek at nabawi ang baril na posibleng ginamit sa krimen.

Nakatakdang kasuhan ng murder ang suspek. RNT

Previous articleP5.7M bloke ng cocaine natagpuan sa Surigao
Next articleNene nilapa ng 4 aso sa Samar