Home METRO Nene nilapa ng 4 aso sa Samar

Nene nilapa ng 4 aso sa Samar

Samar, Philippines – Pinagtulungang lapain ng apat na aso ang isang dalawang taong gulang na batang babae sa bayan ng Calbiga.

Kalunos-lunos ang sinapit ng paslit na tadtad ng mga kagat at sugat sa mukha at katawan, pagkatapos ay natapysan pa ng isang tenga at laman sa pige matapos na pagsasakmalin ng mga aso..

Base sa imbestigasyon, sinundan umano ng biktima ang kaniyang ina na pumasok sa trabaho at naligaw bago mangyari ang trahediya.

“Siguro yung bata naligaw na, napunta na doon sa farmland ng owner ng dog. Around 4:30 pm na, doon na nila na-discover sa area sa may piggery, may open field, andun na yung, maraming sugat,” ayon kay Police Colonel Orlando Oloro, investigator, Calbiga Municipal Police Station.

Nangako ang may-ari sa mga aso na sasagutin ang lahat para sa pagpapagamot sa bata.

Sa kabilang banda nagpaalala ang animal welfare group na Animal Kingdom Foundation ukol sa dapat na may tali o leash ang mga aso kapag nasa labas ng bahay.

“Sa batas pa natin sa Anti-Rabies Act of 2007, dapat po i-make sure natin na ang ating mga alagang hayop ay nasa loob ng kanilang mga bahay. Nasa lamang ng kanilang bakuran. Kung sila ay lalaas, sila po ay dapat nakatali o naka-leash,” sabi ni Isay Halaba, communications, AKF. RNT

Previous articleTanod naingayan, 20-anyos binaril-patay!
Next articleObrero dinamba sa P.5M bato