Home METRO Obrero dinamba sa P.5M bato

Obrero dinamba sa P.5M bato

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 31-anyos na construction worker at kasamahan nito matapos masamsaman ng mahigit kalahating milyong pisong halaga ng shabu sa isang drug buy-bust operation noong Lunes, Marso 11.

Kinilala ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) ang mga suspek na sina “Arjay,” residente ng Binangonan, Rizal, at “Nano,” residente ng Morong, Rizal. Si Arjay ay tinaguriang high value individual (HVI) ng pulisya.

Narekober sa kanila ang walong pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P562,088, isang motorsiklo, at ang buy-bust money.

Dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit ang mga suspek, gayundin ang mga nakuhang ebidensya. Kalaunan ay dinala ang mga suspek sa Binangonan Custodial Facility kung saan sila ngayon ay nakakulong.

Sina Arjay at Nano ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT

Previous articleNene nilapa ng 4 aso sa Samar
Next articleNFA hahawakan muna ni DA chief Laurel