Home NATIONWIDE Tanong ng bayan: Anyare na sa Maharlika Fund?

Tanong ng bayan: Anyare na sa Maharlika Fund?

131
0

MANILA, Philippines – HANGGANG ngayon ay wala pa ring investment activity na nagagawa ang Maharlika Investment Fund (MIF) sa kabila ng halos isang taon na ang nakalilipas mula nang likhain ito.

Ang katuwiran, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naitatatag ang organizational structure at nakakakuha ng manpower.

Palaging sinasabi ni Maharlika Investment Corp. (MIC) president at CEO Rafael Consing na ang sovereign wealth fund ay dapat munang makagawa ng unang investment sa fourth quarter o bago matapos ang taon.

Para sa unang bahagi ng taon, sinabi ni Consing na tututukan ng MIC ang organisasyon, kung saan ang budget ay kasalukuyang pina-fine-tuned ng Department of Budget and Management (DBM).

Nakikipag-ugnayan na rin ito sa Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), at Civil Service Commission (CSC).

Gayunpaman, ‘vocal’ si Consing ukol sa inisyal na direksyon ng MIC kung saan mamuhunan sa ‘developing transmission at distribution infrastructure’ sa off-grid islands ng bansa na naglalayong bawasan ang halaga ng elektrisidad sa malalayong lugar.

Winika nito na ang island grid development ang bumubuo ng bahagi ng panukalang P35-billion investment activities para ngayong taon.

Isiniwalat din ni Consing ang plano ukol sa usapin ng “the matic sub-funds” sa hinaharap para payagan ang retail investors na magpartisipa at magkaroon ng share sa MIF’s investments.

“We started in January this year… By the fourth quarter, we should be up and running already. Before the end of the year, we will make investments,” ayon kay Consing.

“We will steer the sovereign wealth fund as a national development fund,” aniya pa rin.

Winika pa ni Consing na ang state-run firm’s Board of Directors ay nasa proseso ng paglikha ng by-laws para sa kani-kanilang komite.

Tinuran pa nito na ang batas, Republic Act (RA) 11954 nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong Hulyo 18, 2023, ipinag-utos ang paglikha ng dalawang komite sa loob ng MIC, ang Risk Committee at Audit Committee.

Gayunman, sinabi ni Consing, na ang MIC’s Board nilikha ang apat pang komite gaya ng Corporate Governance and Ethics, Nomination and Remuneration, Related Market Transactions, at Investment Committee.

Aniya pa, ang lahat ng investment decisions para sa sovereign wealth fund ay dapat na magpunta lahat sa board committees.

Aniya pa, ang sahod ng MIC’s personnel, lalo na ng highly technical ones, “should be comparable to the private sector.”

“The law also gives us the power to designate highly technical positions. We need those who will bring in experience and technical expertise to fulfill the mandate of Maharlika [Fund],” ayon pa rin kay Consing sabay sabing “there’s a need to compensate for the highly technical [positions] at par to those in the private sector.”

Sa kabilang dako, ang RA 11954 nilikha ang MIF ay gagamitin para mag- invest sa foreign currencies, fixed-income instruments, domestic at foreign corporate bonds, joint ventures, mergers at acquisitions, real estate, at high-impact infrastructure projects.”

Tinukoy naman ni Consing ang pag-aaral ng Maybank, sinabi na ang multiplier impact ng Maharlika Fund “is about 2.1 times.”

Ang paliwanag nito na sa bawat piso na I-invest ng MIC ang magiging ibalik ay P2.1 hanggang P2.5.

“But the main objective is to boost the entry of capital in the Philippines,” anito. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here