Home NATIONWIDE Tanong ni Castro: Pay hike sa mga guro, nasaan na?

Tanong ni Castro: Pay hike sa mga guro, nasaan na?

MANILA, Philippines – Asan na ang pay hike, anong nangyari?

Ito ang malaking tanong ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro sa patuloy na pagkakaantala ng pay increase ng mga public school teacher.

“Bakit may EO na, may IRR na, pero di pa binibigay ang salary increase? Ganun pa rin ang payslip ng mga teachers,” pahayag ni Castro.

Ayon kay Castro, ilang inflation na ang dumaan ngunit ang pangakong dagdag sahod ay wala rin.

Ang salary hike ay nakapaloob na sa
Executive Order (EO) No. 64 na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos noong Agosto 2, 2023.

“Ang problema kakarampot na nga tapos delayed pa” ani Castro.

Umapela si Castro sa Department of Budget and Management (DBM) na paspasan ang pagpapalabas ng panuntunan para sa pay hike gayundin ay isabay na sa ipalalabas na pondo amg taunang medical allowance na P7,000 sa mga government employees.

“The funds have been allocated, and the commitment has been made in the SONA (State of the Nation Address). It is time to translate these promises into reality for our hardworking civil servants,” pagtatapos pa ni Castro. Gail Mendoza