Home HOME BANNER STORY ‘Taragis’ nanganganib; DTI nagsumbong sa Cybercrime division

‘Taragis’ nanganganib; DTI nagsumbong sa Cybercrime division

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na tinitignan nito ang posibleng pagsuspinde o pagpapawalang-bisa sa business name registration ng isang Takoyaki store na nag-viral noong Abril 1 matapos itong mag-post ng April Fool’s Day prank-gone-wrong.

Sa isang post na ngayon ay deleted na, hinamon ng store ang mga followers nito na magpa-tattoo ng kanilang logo sa noo kapalit ng P100,000 premyo .Nguhit kapag binuksan ang buong poster, malalaman na ito pala ay April Fool’s joke.

Binatikos ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles ang naturang post bilang iresponsable at binanggit na ang April Fool’s Day ay maaring isang dayuhang konsepto sa ilang Pilipino lalo na sa vulnerable populations.

Ayon kay Nograles, maaring suspindehin, i-revoke o ikansela ng DTI ang registration ng kanilang business name.

Sinabi rin ng opisyal na ang nasabing post ay maaring makita rin na ang ‘inducing self-harm’ o nag-uudyok ng pananakit sa sarili kung saan sa ibang bansa aniya, ito ay pinarurusahan bilang isang krimen.

Giit ng opisyal, dito sa Pilipinas kailangang suriin ng mga tagausig kung anong posibleng kaso ang maaring isampa.

Iniulat na rin ng DTI ang insidente sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center para sa posibleng kaso, at sa Meta para sa paglabag ng social media platform community standard.

Handa rin aniyang tumulong ang DTI sa iba pang posibleng biktima sa Takoyaki store post gayundin sa iba pang April Fool’s Day pranks ng iba pang business establishments. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous article2 bagong special economic zones sa Pasig City, Cavite itinatag
Next articleJapan, US, Pinas bubuo ng defense network laban sa cyberattacks- Nikkei