Home NATIONWIDE Taripa sa halos lahat ng bansa sa Africa aalisin ng China simula...

Taripa sa halos lahat ng bansa sa Africa aalisin ng China simula Mayo 1

185
0

BEIJING, China — Aalisin ng China ang taripa sa halos lahat ng bansa sa Africa simula Mayo 1, ayon kay Chinese President Xi Jinping.

Batay sa ulat ng state media, ipatutupad ang zero-tariff policy sa 53 bansang may diplomatikong ugnayan sa Beijing.

Tanging Eswatini lamang ang hindi sakop ng polisiya dahil nananatili itong may relasyon sa Taiwan.

Nauna nang may zero-tariff policy ang China para sa 33 African countries, ngunit pinalawak ito noong nakaraang taon upang masaklaw ang halos buong kontinente.

Ang China ang pinakamalaking trading partner ng Africa at pangunahing tagasuporta ng malalaking infrastructure projects sa ilalim ng “Belt and Road” initiative.

Ayon kay Xi, ang kasunduan ay “magbibigay ng bagong oportunidad para sa pag-unlad ng Africa.”

Inanunsiyo niya ito habang nagtitipon ang mga lider ng Africa sa Ethiopia para sa taunang African Union summit.

Dumarami rin umano ang mga bansang Aprikano na lumalapit sa China at iba pang trading partners matapos magpatupad ng mataas na taripa ang Estados Unidos noong nakaraang taon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here