MANILA, Philippines – Patay ang isang Polish national nang malunod sa Mahayag Beach Resort sa Barangay Buenavista, Tandag City, Surigao del Sur.
Narekober ng mga awtoridad ang bangkay ng foreigner nitong Sabado ng hapon, Pebrero 14 matapos ang joint search and rescue operation sa pamamagitan ng government responders at mga mangingisda.
Ayon kay Ensign Jobert R. Oslob, officer in charge ng Philippine Coast Guard Sub-Station Tandag, nakatanggap sila ng tawag hapon ng Biyernes mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office na nag-ulat ng pagkalunod at humihingi ng agarang tulong.
Nagpadala ng mga tauhan ng Coast Guard para sa search and retrieval operations, ngunit naantala dahil sa malakas na current ng dagat at limitadong underwater visibility hampered efforts sa buong araw ng Biyernes hanggang Sabado ng umaga.
Ani Oslob, ang operasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng CDRRMO Tandag, Tandag City Emergency Response Team, Barangay Buenavista officials, at mga lokal na mangingisda na nag-volunteer gamit ang kanilang mga bangka para tumulong sa paghahanap sa mga kalapit na dagat.
Bandang ala-1 ng hapon ng Sabado ay narekober ang wala nang buhay na katawan ng biktima.
Itinurn-over na sa Tandag police ang bangkay ng biktima.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pagkakakilanlan ng biktima habang hindi pa ito naipapaalam sa pamilya. RNT/JGC