MANILA, Philippines – Ginisa ni Manila Third District Rep. Joel Chua ang Bureau of Customs (BOC) sa imbestigasyon ng House committee on ways and means sa isyu ng multi-bilyong pisong cigarette smuggling.
Noong Pebrero 11, sinabi ni Chua na hindi niya maunawaan kung paano ginagamit ng BOC ang intelligence funds nito at nananatiling walang alam kung gaano katindi ang illegal na tobacco trade.
Anang mambabatas, napasok na ng illicit tobacco trade ang mga pamilihan at maging ang mga sari-sari store ay nakakapagtinda na ng mga smuggled na sigarilyo.
“Based on the statement of Congressman Alonto, this has become rampant in Mindanao to the point that smuggled cigarettes are being sold at the sari-sari stores,” ani Chua.
Dahil dito ay tinanong ni Chua si BOC Deputy Commissioner for Intelligence Romeo Allan Rosales, na siyang humarap sa panel dahil wala si BOC Commissioner Ariel Nepomuceno sa pagdinig nang, “Are you aware of this?”
Ipinunto ni Chua na ang mga tao sa Mindanao ay alam na alam ito ngunit tila hindi pa rin ito nalalaman ng ahensya.
Dito na natanong ni Chua kung magkano ang intel funds ng ahensya sa loob ng isang taon.
“I’ll find out as this is the first year that I will be in charge of the intel fund,” sagot ni Rosales.
“You know, Mindanao congressmen, we don’t have intel fund,” pagpupunto naman ng mambabatas.
“In fact, Congressman Zia [Alonto Adiong] said that these can be bought over the counter from a pharmacy, and yet, we don’t know what’s happening,” dagdag pa ni Chua.
Dito na rin idinugtong ni Chua ang pagbaba sa excise tax collection sa kabila ng pagtaas ng cigarette consumption.
Sa mga susunod na pagdinig, plano ng komite na imbestigahan kung may mga opisyal ng BOC ba ang sangkot sa cigarette smuggling o sangkot sa major smuggling schemes. RNT/JGC