Home NATIONWIDE Tricycle driver sumuko sa pagpatay at pagsunog sa dalaga sa Nueva Vizcaya

Tricycle driver sumuko sa pagpatay at pagsunog sa dalaga sa Nueva Vizcaya

222
0

MANILA, Philippines – Sumuko ang 33-anyos na tricycle driver nitong Biyernes, Pebrero 13 at inaming pumatay sa 19-anyos na dalaga kasabay ng pagsunog dito para itago ang krimen, sa Barangay Maddiangat, Quezon, Nueva Vizcaya.

Ang suspek na tinukoy ng pulisya bilang si “Ernie,” ay caretaker ng bahay sa Malvar Street sa Barangay Santa Rosa ng naturang bayan, ayon kay Col. Paul Bometivo, hepe ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office.

Nitong Sabado, Pebrero 14, taglay ang search warrant ay natagpuan ang itim na Adventure na sasakyan na ginamit sa pagbiyahe sa katawan ng biktimang si Esmeralda sa bayan ng Quezon.

Natagpuan ng forensic experts ang bakas ng dugo, buhok at iba pang traces ng DNA samples ng biktima.

Inaalam pa ng pulisya kung ginahasa ni Ernie ang dalaga bago ito patayin at sunugin.

Anang suspek, dinala niya ang dalaga sa bahay sa Santa Rosa na pagmamay-ari ni Santino Fernandez ng Solano at doon niya ito pinatay.

Inalis na si Fernandez bilang person of interest dahil ito ay tumutuloy sa kanyang pamilya sa Solano, at ang caretaker ang siyang tumutuloy sa bahay sa Barangay Santa Rosa, ayon kay Maj. Santy Ventura, hepe ng Quezon Municipal Police Station.

Ayon kay Fernandez sa pulisya, ang kanyang common-law wife ang kumuha sa suspek bilang caretaker na tumutuloy doon ng mahigit isang taon na.

Matatandaan na natagpuan ang sunog na katawan ni Elyza Esmeralda, 19-anyos at second year Tourism Management student sa College of Human Ecology of Nueva Vizcaya State University (NVSU), sa madamong bahagi ng lupain sa Barangay Maddiangat, Quezon noong Pebrero 12. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here