Home NATIONWIDE Tarlac ginising ng magnitude 5.2 na lindol

Tarlac ginising ng magnitude 5.2 na lindol

MANILA, Philippines – Isang magnitude 5.2 na lindol ang naganap sa hilagang-silangan ng Tarlac City noong Huwebes ng umaga, iniulat ng PHIVOLCS.

Naganap ang lindol alas-5:58 ng umaga na may lalim na 199 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Walang inaasahang pinsala ang sinabi ng PHIVOLCS, ngunit maaaring magkaroon ng aftershocks. RNT