Home NATIONWIDE Tarlac Rep. Noel Rivera sinermunan ng Sandiganbayan justice sa suot sa hearing

Tarlac Rep. Noel Rivera sinermunan ng Sandiganbayan justice sa suot sa hearing

1
0

MANILA, Philippines- Sinermunan ng Sandiganbayan judge si Tarlac 3rd District Rep. Noel “Bong” Rivera sa pagdalo sa court hearing na nakasuot lamang ng shirt at pantalon.

Si Rivera ang isa sa umano’y “cong-tractor” na sangkot sa multi-bilyong pisong flood control scam kung saan ang mga mambabatas, opisyal at contractor ay nagsasabwatan upang mapunta ang pondo ng bayan sa mga ghost infrastructure project.

Sinabihan ni Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Econg si Rivera na, “For a congressman to appear like that in court, you do not respect the court? Do you want to appear many times so you will know how to dress properly?”

Wala pang tugon si Rivera kaugnay nito.

Samantala, sinabi ng kampo ni Rivera na hindi natuloy ang arraignment at ito ay inilipat sa Agosto 18.

Ang mambabatas ay nahaharap sa nine counts ng graft. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here