MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto sa Luzon ang Southwest Monsoon o Habagat ngayong Miyerkules, Agosto 12.
Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila, Ilocos Region, Benguet, Abra, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Palawan, Marinduque, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Habagat.
Ang nalalabing bahagi ng Luzon naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil din sa Habagat.
Habang ang Visayas at Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC