Home METRO Task Group binuo ng QCPD sa pananambang, pagpatay sa LTO employee

Task Group binuo ng QCPD sa pananambang, pagpatay sa LTO employee

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Redrico A Maranan ang pagbuo ng Special Investigation Task Group (SITG) para magsagawa ng masusing imbestigasyon sa insidente ng pamamaril na humantong sa pagkamatay ng biktimang si Mercedita Gutierrez, empleyado ng LTO na naganap sa Quezon City ng gabi kahapon, Mayo 24, 2024.

Ayon kay PBGEN Maranan, ang SITG “GUTIERREZ” ay pangungunahan ni PCOL Amante B Daro, Acting Deputy District Director for Operations (ADDO), upang imbestigahan ang insidente ng pamamaril at matukoy ang motibo sa likod ng pagkamatay ng biktima at makilala at maaresto. ang suspek.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, alas-6:20 ng gabi noong Marso 24, 2024, binaril ng hindi pa nakikilalang gunman na sakay ng motorsiklo ang biktima malapit sa kanto ng K-H Street malapit sa Kamias Road, Brgy. Pinyahan, QC. Agad namang dinala sa East Avenue Medical Center ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa katawan ngunit idineklara itong patay ng attending physician.

Ayon sa QCPD, isasaalang-alang ng SITG “GUTIERREZ” ang lahat ng may-katuturang impormasyon upang matiyak ang dahilan sa likod ng pamamaril sa biktima.

“Ang aming panalangin at pakikiramay sa naulilang pamilya ng biktima. Hindi titigil ang QCPD sa pagtugis sa suspek at sisiguraduhin namin na mabibigyan ng hustisya,” ayon kay GEN Maranan. Santi Celario