Home METRO Tatay na suspek, anak utas sa hostage-taking incident sa Cavite

Tatay na suspek, anak utas sa hostage-taking incident sa Cavite

359
0

MANILA, Philippines – Namatay ang isang lalaki at isang bata matapos ang isang hostage-taking sa Barangay Sampaloc IV, Dasmariñas, Cavite.

Napag-alaman na ang suspek ay hinostage ang kanyang dalawang anak, edad lima at pito, at isang kapitbahay nito.

Sinaksak ng suspek na lalaki ang kanyang dalawang anak, na ikinamatay ng mas nakababatang anak sa loob ng kanilang bahay.

Sinubukan namang pigilan ng mga opisyal ng barangay habang tinatawagan ang mga kamag-anak para humingi ng tulong.

“Nililibang ko siya kaya lang bigla siyang nawala sa vision ko. Nakarinig na lang ako ng kalabog, alam kong may sinsira na lang siyang pintuan at may mga border na gusto siyang mapasok. Kaya lang pagdating namin sa itaas, sira na yung pintuan,” ani Armando Movido, barangay kapitan na dati ring sundalo.

Namatay naman ang suspek sa rescue attempt.

Ang pitong taong gulang na bata at ang babaeng hostage ay dinala sa ospital.

Isinasagawa ang libing para sa suspek at sa limang taong gulang na bata.

Ayon sa asawa ng suspek, siya ay may depresyon na dulot ng utang at nawalan ng ganang kumain. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here