BACOLOD CITY – Isang 53-anyos na lalaki ang umano’y pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang anak na “high” sa droga sa kanilang bahay sa Hacienda Bacsay, Barangay Robles, La Castellana, Negros Occidental noong Martes, Oktubre 29.
Kinilala ni Police Major Rhojn Darell Nigos, hepe ng La Castellana police, ang biktima na si Rolando Mosquera Sr.
Kakauwi lang umano ng biktima mula sa pagtatanim ng puno ng saging nang saksakin ng kutsilyo ng kanyang 21-anyos na anak ang dibdib nito. Humingi ng tulong ang biktima sa mga kamag-anak at dinala sa ospital kung saan idineklara itong patay.
Sinabi ni Nigos na naaresto ang suspek habang nagtatago sa isang madamong lugar. Narekober sa kanya ang kutsilyo, isang maliit na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P544, dalawang lighter, at isang kulay berdeng kurtina na may mga mantsa ng dugo.
Sinabi ng pulisya na inaakala ng suspek na binabalak siya ng kanyang ama na ilibing nang buhay nang siya ay nagtatanim ng mga puno ng saging.
Kagagaling lang ng Bicol sa probinsiya ang suspek kung saan siya ipinadala dahil sa kanyang pagkalulong sa droga.
Dagdag pa ni Nigos, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang suspek sa kanyang pamilya dahil sa kanyang inasal.
Isinailalim sa drug test ang suspek at sasampahan ng kasong parricide at illegal drugs. RNT