Manila, Philippines – Malaking achievement na maituturing ni Ogie Alcasid na isa nang ganap na nurse ang isa sa dalawang anak niya kay Michelle Van Eimereen.
Ipinost nga ng singer-songwriter na degree holder na sa kursong nursing si Sarah mula sa kolehiyong pinapasukan nito sa Australia.
Bale ba, there’s a reason for a triple celebration dahil tatlong anak ni Ogie ay nagsipagtapos na.
Ogie’s eldest child Leila with former Miss Australia (1994) ay college graduate na rin.
Ang kanya namang bunso, na anak niya kay Regine Velasquez, na si Nate ay nagtapos din ng grade school.
More than a week ago, sa isang panayam kay Ogie ay nasabi niyang nakatakda siyang bumiyahe sa Land Down Under to join in the celebration.
Ogie–having responsible kids–says a lot about their respective moms lalo na kay Michelle.
Nangangahulugan lang na maganda’t maayos ang pagpapalaki ni Michelle sa mga bata kahit may kanya-kanya na silang buhay ni Ogie.
It also reflects the kind of father that Ogie is.
Hindi nga lang ikinatuwa ni Ogie nang malamang nakikipag-live in na si Leila sa nobyo nito.
For sure, had Ogie been around for them ay napigilan sanang mangyari ito.
Anyway, magsilbi sanang inspirasyon ang kuwento ni Ogie kay Dennis Padilla whose former wife and two kids are also based in Australia.
Himutok kasi ng dating karelasyon ni Dennis, kung hindi atrasado ang sustento nito’y kulang pa.
Hindi man lang daw naisip ni Dennis ang mataas na cost of living sa Australia.
Kaya Dennis, take a cue from Ogie on responsible fatherhood! Ronnie Carrasco III