Home METRO Tattoo artist kalaboso sa baril, granada

Tattoo artist kalaboso sa baril, granada

MANILA, Philippines- Dinakip ng pinagsanib na pwersa ng District Intelligence Operation Unit (DPIOU) at Special Mayord Reaction Team ng Manila Police District (MPD) ang isang tattoo artist sa bisa ng warrant sa Tondo, Maynila dahil sa pag-iingat ng ilegal na baril at granada.

Kinilala ang suspek na si Roberto Lopez y Manicad, 33 taong gulang, binata, freelance tattoo artist at residente sa nasabing lugar.

Sa ulat, naglabas ng search warrant si Hon. Jason J. Zapanta, Presiding Judge ng Manila Regional Trial Court, Branch 174 .

Pinangunahan ng mga operatiba ng SMART sa pangangasiwa ni PMaj Emmark Dave Apostol ang pag-aresto sa suspek sa Mayhalique St. sa Tondo.

Katuwang sa operasyon ang DPIOU-MPD kung saan nasamsam ang mga ebidensya tulad ng isang mistulang UZI o Ingram fire arm, na kulay black, anim na piraso ng live ammunition ng kalibre 9mm na baril, at isang (1) hand grenade.

Nahaharap ang akusado sa mga kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition) at R.A. 9516 o (Unlawful Possession of Explosive). Jocelyn Tabangcura-Domenden