Bulacan – Arestado ang dalawang indibiduwal nang mahulihan umano ng P32,640.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod Meycauayan.
Sa report ni PLTCOL Melvin Florida Jr, Acting chief of police ng Meycauayan police station, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Alas”, 41, tattoo artist, residente ng Bulakan at alyas “Shyneth”, 48, helper ng Malabon.
Ayon sa report, isinagawa ang operasyon ng pulisya, bandang 8:15 ng gabi nitong Setyembre 28 sa Brgy. Lawa.
Nakumpiska sa operasyon ang apat na sachets na hinihinalang shabu na tumimbang ng 4.8 gramo, may halagang P32, 640.00 at buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III