Home NATIONWIDE ‘Taumbayan’ katuwang sa imbestigasyon ng ICI sa 40K flood control projects scam

‘Taumbayan’ katuwang sa imbestigasyon ng ICI sa 40K flood control projects scam

333
0

Lungsod Malolos, Bulacan – Nakipagpulong ang malaking bahagi ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa pangunguna ni Special Adviser Rodolfo Azurin Jr. kay Malolos Mayor Atty. Christian Natividad para humingi ng payo at upang mapabilis ang imbestigasyon sa 40,000 flood projects sa buong bansa.

Ito ang positibong sinabi ng alkalde sa isang eksklusibong panayam ng mga Jounalism students ng Bulacan State University kasama ang Remate nitong umaga ng Miyerkules, Nobyembre 19.

Ayon kay Natividad, nakita ng ICI ang ginawa ng Malolos City People’s Audit team na pinangunahan ng Pamahalaang Panglungsod katuwang ang mga kawani ng barangay at ordinaryong Maloleño sa pag-imbestiga sa maanomalyang flood projects sa lungsod.

Aniya, nagsabi sa kanya na maari bang gawin din ito sa ibang bayan na sinang-ayunan ng alkalde kasabay ang pagbibigay ng ilang makabuluhang mungkahi.

“Naghiwalay kami ng mag-ala-1:00 (ng hapon), 4:15 pm kahapon nag-text siya (Azurin) sa akin na masayang-masaya dahil iyong proposal natin ay naaprubahan ng ICI mismo,” anang alkalde.

Dahil dito, magkakaroon ng memorandum of agreement sa pagitan ng ICI kasama ang Liga ng mga Barangay, League of Municipalities, League of the Cities of the Philippines at League of Provinces para balangkasin o gayahin ang ginawang report ng Malolos City.

Nabatid na ang Malolos City Audit team report na una nang isinumite sa ICI kamakailan ay magiging template sa buong bansa ngunit mayroon konting adjustments.

Hiniling sa kanila ng alkalde na para matanggap sa korte ang mga reports na isusumite sa kanila sa mga susunod ay gumawa ng “uniform checklist o iisang checklist lang ang paiikutin sa buong bansa na sinumpaan at nakanotaryo para gamitin man sa anumang court body ay admissible ang report, tawagin man itong “Peoples Audit Team” kalaunan na umusbong sa lungsod. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here