MANILA, Philippines – Naghain ng mosyon ang legal counsel ni Veronica ‘Kitty” Duterte sa Korte Supreme para resolbahin ang pinagsama-samang petisyon para sa pagpapabalik kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa.
Sa pamamagitan ni Atty. Paolo Panelo Jr., hinihimok ng petitioner na si Kitty ang Korte Suprema na tuluyang lutasin ang mga petisyon upang maiwasan ang pagkasira ng kalusugan ni FPRRD.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Panelo na ang mosyon na tampok ang matinding kahihinatnan ng pananahimik ng Kataas-Taasang Hukuman sa mga petisyon na nakabinbin mula noong Marso.
Tinukoy ng mosyon ang pagsisikap ng gobyerno sa pagpapauwi kay dating Congressman Arnolfo Teves Jr, sa kabila ng pagtanggi ng Timor-Leste Court of Appeals sa kahilingan para sa extadition.
“We respectfully urge the Supreme Court to act promptly to provide relief and guidance to reaffirm the Rule of Law, and ensure that blatant violations of fundamental rights are not unremedied and unpunished under its watch,” sabi ni Panelo. Jocelyn Tabangcura-Domenden