Home NATIONWIDE Tax evaders pananagutin ng gobyerno – PBBM

Tax evaders pananagutin ng gobyerno – PBBM

MANILA, Philippines- Pananagutin ng gobyerno ang mga tax evaders na patuloy na iniiwasan ang tax system sa bansa.

Sa naging talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinagawang 2025 Bureau of Internal Revenue (BIR) National Tax Campaign Kickoff sa Philippine International Convention Center, araw ng Martes, binalaan ng Chief Executive ang tax evaders na pananagutin ang mga ito kapag patuloy na binalewala ang tax system.

Tiniyak ng Pangulo sa publiko na maingat na sinusubaybayan ng gobyerno ang mga paggastos para protektahan ang public funds.

“I have said this before: We will hold those who continue to circumvent our system accountable,” ang sinabi pa rin ng Punong Ehekutibo.

Ang seremonya ay bilang pagdiriwang sa National Tax Awareness Month.

“And I say this with hope and with sternness—hope that we all see the value in contributing to our country and that the law will deal sternly against those who exploit the system unfairly,” dagdag niya.

Sa kabilang dako, binigyang-diin naman ng Pangulo na ang tapat na tax contributions ang magpapaningas sa isang bagay na mas malaki kaysa sa interes ng isang indibidwal.

Aniya pa, ang bawat piso na nakolekta ay wastong inilalaan sa mga programa na mapakikinabangan ng mga tao.

“Makakaasa po kayo na mahigpit nating babantayan ang paggugol sa pondo ng bayan. Sisiguruhin natin na ang ating pondo ay magbubunga ng mga proyektong ikakabuti ng ating bansa at ikauunlad ng bawat isang Pilipino,” giit ng Pangulo.

Samantala, binigyang-diin naman ni Pangulong Marcos na nagpapatuloy ang pagsisikap ng pamahalaan para gawing mahusay ang tax collection.

Aniya, maliban sa pagpapatupad, niyakap ng BIR ang “transformation to streamline compliance, reduce corruption risks, and enhance taxpayer services” ng gobyerno.

Inilarawan ng Pangulo ang Online Registration and Update System (ORUS)  ng BIR bilang isang game-changer, pinapayagan ang mga taxpayer na magrehistro ng libro, at rekord ng mga empleyado ng BIR at iproseso ang mga “transfers at document releases.”

“Implementing the Digital TIN IDs has enhanced security and convenience for taxpayers while the Electronic One-Time Transaction (eONETT) System has simplified the processing and issuance of Electronic Certificate Authorizing Registration (eCARs),” ang sinabi ni Pangulong Marcos. Kris Jose