Home HOME BANNER STORY Tax free 13th month pay kasama sa tax relief package – Quimbo

Tax free 13th month pay kasama sa tax relief package – Quimbo

1
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Marikina Rep. Miro Quimbo, Chairperson ng House Committee on Ways and Means, na hindi lamang ang iminumungkahing pagtaas ng income tax exemption threshold ang dapat pagtuunan ng pansin sa panukalang P350,000 personal income tax relief package, kundi pati na rin ang kasamang tax-exempt ceiling para sa 13th month pay at iba pang bonus.

Ayon kay Quimbo, dalawa ang sinisingil ng buwis, ang general gross salary at ang hiwalay na 13th at 14th month pay, sa bagong tax relief plan, mula P90,000  ay gagawin nang P120,000 ang hindi papatawan na buwis mula sa.mga honuses.

Dahil.sa tax relief package na direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos ay tataas ang take home pay ng marami sa mga manggagawa gayundin ay mas mararamdaman ang kanilang matatanggap na bonus.

Inaasahang magsisimula sa susunod na linggo ang public hearings ng komite hinggil sa panukala.

“Ang timetable namin is to have three hearings on the matter,” ani Quimbo. “First is to listen to the DOF relative to the changes, what is going to be the revenue impact, ano ‘yung magiging epekto. Pangalawa, kailangang mapakinggan natin ang sectors that will be affected or will benefit from it … And then thirdly, kailangan natin mapakinggan ang academe para makita natin kung ‘yung objective ba natin dito ay matutupad.” Paliwanag ni Quimno ukol sa magiging pagdinig ng komite.

Binigyang-diin ni Quimbo na dapat tiyakin ng komite na ang tax relief package ay magbibigay ng makabuluhang benepisyo sa sektor na nilalayon nitong tulungan pangunahin na ang nasa middle class. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here