Home NATIONWIDE Tax relief ni PBBM, target aprubahan sa Agosto at ipatutupad sa Enero...

Tax relief ni PBBM, target aprubahan sa Agosto at ipatutupad sa Enero 2027 – Quimbo

1
0

MANILA, Philippines – Target ng Kamara na maaprubahan sa susunud na buwan ang panukalang tax relief ni Pangulong Bongbong Marcos upang maipatupad pagsapit ng sa Enero 1,2027, ayon kay House Committee on Ways and Means Chairperson at Marikina City Rep. Miro Quimbo.

Ayon kay Quimbo, alinsunod sa direktiba nina House Speaker Faustino Dy at House Majority Leader Sandro Marcos ay maipapasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang tax relief, ito umano ay para matiyak na masusunud ang timetable ni Pangulong Marcos.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), hiniling ng Pangulo sa Kongreso na palawakin ang income tax exemption para saklawin ang mga manggagawang kumikita ng hanggang P350,000 kada taon; bawasan ang income tax para sa iba pang manggagawa; i-exempt ang mga maliliit na negosyo mula sa minimum corporate income tax; at magbigay ng tax amnesty para sa hindi nabayarang income tax, estate tax, donor’s tax, value-added tax (VAT), at mga kaugnay na multa.

Paliwanag pa ni Quimbo na ang panukalang pagtaas ng income tax exemption threshold ay hindi maaaring magkabisa o ipatupad bago ang Enero 1, 2027 dahil ang mga kita at gastusin ng pamahalaan para sa 2026 ay nakaprograma na sa ilalim ng umiiral na istruktura ng buwis.

Sinabi ni Quimbo na ang tax amnesty ay target din na maipasa ng Kamara bago ang break nito sa Oktubre. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here