Manila, Philippines – Lumikha ng ingay ang inilabas na teaser ng Viva tungkol sa reunion ng Viva Hot Babes.
May caption kasi itong: “Reunion? Ano tara!”
May silhouette ito na pitong babae.
Ang nasabing all-girl group na itinatag ng Viva Entertainment ay sumikat noong 2003.
If ever, ang Viva Artists Agency ang producer ng reunion concert.
So, anong hint ang magpapatunay na tuloy na nga ang pagtatanghal?
Ang giveaway ay ang ox-eye daisy flower na ginamit noon sa cover ng album ng Viva Hot Babes.
Sila kasi ang nagpasikat ng awiting Bulaklak— likha ni Lito Camo.
Na-inspire kasi ang grupo sa naging reunion concert ng Sex Bomb Dancers noong December 4, 2025.
Pero noong February 14, 2026 ay itinanggi ni Katya Santos na magkakaroon sila ng reunion concert.
Bukod kay Katya, ang Viva Hot Babes ay binubuo nina Maui Taylor, Myles Hernandez, Sheree, Gwen Garci, Kristina Jaca, Jen Rosendahl at Andrea del Rosario.
Kung kailan at saan ang kanilang reunion concert ay wala pang detalye. Ronnie Carrasco III