Home HOME BANNER STORY Termination order ng Malakanyang sinuway ng pinatalsik ng MinDA chief

Termination order ng Malakanyang sinuway ng pinatalsik ng MinDA chief

MANILA, Philippines – KAHIT PINATALSIK na si puwesto ng Malakanyang, nag-report pa rin sa trabaho si Mabel Acosta, ang tinanggal na chairperson ng Mindanao Development Authority (MinDA) dahil sa “loss of trust and confidence.”

Sa katunayan, sumama pa si Acosta sa lingguhang flag ceremony sa Pryce Building ia Davao City, habang ang itinalagang bagong MinDA chair na si Leo Tereso Magno ay dumating matapos ang seremonya.

Si Acosta ay itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2022, tumangging bumaba sa puwesto sa paniniwalang wala naman siyang ginawang masama para patalisikin sa puwesto.

Aniya, hindi naman siya nasabihan na may ipapalit na pala sa kanya.

“Honestly, I had the biggest shock of my life. It felt literally like my heart stopped beating for a few moments. May ganoon pala talaga. I have had sleepless nights and an upset stomach due to the overwhelming stress. I cannot bear the embarrassment and humiliation,” ang sinabi ni Acosta.

Nakasaad sa Seksyon 7 ng Republic Act 9996, o Mindanao Development Authority Act of 2010, na ang chairperson ay dapat na magsilbi ng termino ng anim na taon mula sa petsa ng kanyang pagkakatalaga maliban na lamang kung inalis dahil sa kadahilanan.

“I do not have any pending civil, administrative, or criminal case before the proper courts. I am also not convicted of any crime,” ayon kay Acosta.

Binigyang diin pa ni Acosta na hindi man lamang siya nakatanggap ng kahit na maliit na memo mula sa Malakanyang kaugnay sa anumang sinasabing misconduct.

Sa kabilang dako, sa liham ni Executive Secretary Lucas Bersamin kay Acosta na may petsang May 22, nakasaad dito na “[g]iven the nature of the position of Chairman of the Mindanao Development Authority as primarily confidential and policy determining, the President as the appointing power validly and effectively removed you for cause due to loss of his trust and confidence in you.”.

Naghain naman ang kampo ni Acosta ng quo warranto petition para kuwestiyunin ang pagkakasibak sa puwesto ng una at ang pagkakatalaga kay Magno.

Samantala, ginagalang naman ni Magno ang desisyon ni Acosta na maghanap na ‘legal remedies.’

Hanggang sa ngayon ay wala namang paliwanag ang Malakanyang kung bakit napili nila si Magno kapalit ni Acosta.

“Mas gusto siguro ng presidente na mas palawakin pa ang pagtulong niya at ang pagbigay ng atensyon sa Mindanao. Minsan sa trabaho ng MinDA ay ang pagbigay ng suhestiyon at pag-gather ng information galing sa iba’t ibang parte ng Mindanao. Ano pa ang magagandang programa para mas maayos natin ang buong Mindanao,” ani Magno.

S Magno ay isa ring Kalihim ng Office of the Presidential Assistant for Eastern Mindanao.

“Hindi pa natatapos ang detalye sa usapin na yan. May opisina pa rin ang presidential assistant for Eastern Mindanao. Ang pagkakaalam ko sa gobyerno, hindi pwedeng isang tao, dalawang posisyon ang hahawakan, violative yata yan ng Civil Service rules. Baka mawala na po yung presidential assistant for Eastern Mindanao but the office is still there,” anito.

Sa kabila ng gulo sa MinDA, inimbitahan naman ni Pangulong Marcos si Magno na sumama sa kanyang pagbisita sa Brunei, na miyembro ng BIMP-Eaga kung saan ang MinDA chair ang signing minister ng bansa.

Si Pangulong Marcos at ang kanyang entourage ay nasa Brunei mula May 28 hanggang 29 para sa isang state visit. Kris Jose