Home NATIONWIDE TESDA grads inayudahan ni Bong Go

TESDA grads inayudahan ni Bong Go

MANILA, Philippines- Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga nagtapos sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Mindtech Training and Development Institute Inc. sa Pasig City noong Miyerkules, Mayo 8. Nakapagtapos ang mga nasabing iskolar na ito sa programa ng TESDA sa pamamagitan ng suporta ni Sen. Go.

“The skills and knowledge you have acquired here will be your foundation for success in your chosen field. Kung may kinakailangan pa po kayong suportahan mula sa gobyerno, magsabi lang kayo. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya dahil bisyo ko po ang magserbisyo,” hikayat ng senador.

May kabuuang 20 nagtapos ang tumanggap ng mga token of appreciation, tulad ng mga grocery packs, panulat, meryenda, kamiseta, at bola para sa basketball at volleyball, mula sa Malasakit Team ni Go. Nakatanggap din ang mga piling benepisyaryo ng sapatos at mobile phone.

Binigyang-diinng senador na ang naturang specialized training ay nagpapalakas ng kanilang prospect sa trabaho at makabuluhang nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Higit pa rito, inihain ng mambabatas ang Senate Bill No. (SBN) 2115 para ma-institutionalize ang TVET at livelihood programs para sa mga rehabilitated drug dependents.

Ang panukalang batas ay naglalayong magbigay ng pagsasanay para mapahusay ang kakayahan ng mga dating biktima ng droga nang muli nilang maitaguyod ang kanilang buhay at magkaroon ng positibong ambag sa kanilang mga komunidad.

Hinikayat din ni Go ang mga nagsipagtapos na samantalahin ang mga serbisyong inaalok sa Malasakit Centers sa buong bansa, kabilang ang nasa Rizal Medical Center (RMC) na matatagpuan sa Lungsod ngh Pasig.

Ang Malasakit Centers ay one-stop shop na naglalayong suportahan ang mga mahihirap na pasyente sa pagbabawas ng kanilang mga gastos sa ospital sa pinakamaliit na posibleng halaga.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 165 Malasakit Centers na gumagana sa buong bansa at nakahanda ang mga ito na tumulong sa mga pasyenteng salat sa pinansiyal. RNT