Home METRO Tesorero ng simbahan dedo sa pamamaril

Tesorero ng simbahan dedo sa pamamaril

290
0

CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – Patay ang isang tesorero ng simbahan matapos barilin ng umano’y dating kasamahan nito sa simbahan sa loob ng compound ng Seventh-day Adventist Church, sa lungsod na ito nitong umaga.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Benjamin Mendez, nasa hustong gulang, treasurer ng Seventh Day Adventist Church sa NCMC (North Central Mindanao Conference) sa Julio Pacana Street, Barangay Puntod ng nasabing lungsod.

Kusa naman sumuko sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek na kinilalang si Jimboy.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nakatayo ang biktima sa harap ng simbahan sa loob ng compound ng bigla na lamang itong pinagbabaril ng suspek.

Matapos ang krimen tumakas ang suspek sakay ng kulay pulang Toyota Vios na may plakang KBB-1189, pero kalaunan ay sumuko din sa pulisya.

Sinabi ng pulisya, tinanggal umano ng biktima ang suspek sa simbahan nang malaman ang mga mali nitong ginagawa.

sa pahayag naman ng pamilya ng biktima, nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay ang biktima.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nasabing krimen. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here