Home HOME BANNER STORY Teves laya na sa house arrest sa Timor Leste

Teves laya na sa house arrest sa Timor Leste

MANILA, Philippines- Pinalaya na si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. mula sa house arrest sa Timor Leste, ayon sa kanyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio nitong Sabado.

“We confirm the published reports appearing on Timor Leste (TL) media —  which have reached our country — to the effect that Rep. Arnolfo Teves has been ordered released from house arrest by the tribunal conducting extradition proceedings relative to the request made by the Philippine government,” pahayag ni Topacio.

Subalit, sinabi ni Topacio na pinairal ang “certain conditions” upang mapalaya ang kanyang kliyente “including regular reporting to a court officer and a commitment not to leave TL while the extradition case is pending, which conditions are customary in litigations of this nature.”

“Otherwise, he has been restored to full liberty in accordance with the order of the TL high court’s voiding of the preventing detention order due to defects in the extradition request,” dagdag ni Topacio. 

Inihayag ni Department of Justice (DOJ) nitong Linggo na natapos na ang extradition trial ni Teves.

Nag-ugat ang paglilitis sa Timor-Leste Court of Appeals mula sa hiling ng Philippine government na pabalikin si Teves sa Pilipinas, kung saan nahaharap siya sa murder charges sa pagkakasangkot umano nito sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pa sa tahanan ng dating gobernador noong Marso 4, 2023. 

Itinanggi ni Teves ang mga akusasyon, at sinabing wala siya sa bansa nang maganap ang pag-atake. Subalit, hindi na bumalik si Teves sa Pilipinas matapos mangibang-bansa.

Noong Setyembre2023, namataan siya sa Timor-Leste, kung saan inihirit niya ang asylum subalit tinanggihan ito.

Tinukoy si Teves at iba pa blang terorsita ng Anti-Terrorism Council, sa umano’y ilang pagpatay at harassment sa Negros Oriental.

Noong Pebrero, ipinag-utos ng Manila Court ang kanselasyon ng kanyang pasaporte.

Pinatalsik siya ng Kamara noong Agosto ng nakaraang taon dahil sa “disorderly conduct” at hindi nito pagbalik sa bansa sa kabila ng expired travel authority. RNT/SA