Home NATIONWIDE Thai fiber cement firm mamumuhunan ng P2.9B sa Pinas

Thai fiber cement firm mamumuhunan ng P2.9B sa Pinas

MANILA, Philippines- Ikinagalak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng SHERA Public Company Ltd. na mamuhunan ng P2.9 bilyon sa Pilipinas para sa produksyon ng fiber cement building materials para sa local at export markets.

Sa pulong kasama ang SHERA Public Company Ltd top executives sa sidelines ng ASEAN Summit sa Lao DPR nitong Miyerkules, sinabi ni Marcos na umaasa siyang magagawa ng Thai company ang Pilipinas na “center hub for export” nito.

“You started earlier and now you have products that I don’t think I’ve seen anywhere else that can claim that kind of green credibility that your products have, including the power that you use is also well,” ani Marcos, base sa Presidential Communications Office news release nitong Miyerkules,

“You can build a whole house with it already. Because I saw the wall application, the roof application, every floor, et cetera. That’s remarkable,” dagdag niya.

Inaasahan ng Pangulo na na mapalalakas ng Philippine operation ng kompanya ang pagsisikap ng pamahalaan na tugunan ang kasalukuyang housing backlog sa ready-to-build housing materials nito.

Nanungunang manufacturer ng “unique and environmentally friendly” fiber cement products, itatayo ng SHERA ang planta nito sa loob ng TECO Industrial Park sa Mabalacat City, Pampanga, at inaasahang magsisimula ang operasyon sa unang quarter ng 2025. RNT/SA