Home SPORTS Padel Pilipinas kampeon sa Singapore

Padel Pilipinas kampeon sa Singapore

237
0
Humarap sa media ang ang bumubuo ng All Filipino Women's Dou Padel Champions Padel Pilipinas National Team sa pangunguna nina Taoyee Tan, Marian Capadocia, Coach La Canizares at Senator Pia Cayetano makaraang mag kampeon sa All Filipino Female Pro sa Asia Pacific Padel Tour Singapore. (REY NILLAMA/GENIE VILLOTA)

MANILA, Philippines – Ipinagdiwang ng Padel Pilipinas sa pangunguna ng mga pambansang atleta na sina  Taoyee Tan at Marian Capadocia ang kanilang makasaysayang tagumpay bilang kauna-unahang all-Filipina padel champion.

Nasungkit ng pares ang kauna-unahang gintong medalya sa Female Pro category sa Asia Pacific Padel Tour Grand Slam sa Singapore noong Oktubre 6, 2024.

Ikinuwento ng dalawa ang kanilang masaya at malungkot na karanasan bago nakamit ang tagumpay sa Singapore.

Naiyak pa nga si Capadocia dahil sa mahirap na training nila na nagdala sa kanila sa tagumpay upang makamit ang kauna-unahang matamis na gintong medalya para sa bansa.

Kasama ng grupo sa ginawang press conference sa Padel Play sa Mandaluyong City si Padel Pilipinas Founder Sen. Pia S. Cayetano at National Team Captain LA Cañizares.

Dahil sa panalo, naibulsa nina Tan at Capadocia ang cash prize na $1,600 o humigit-kumulang P88,000.

Nangako naman si Cayetano na bibigyan niya ang dalawa ng insentibo na mas higit sa kanilang napanalunan dahil sa karangalan na kanilang naiuwi.

Sinabi rin ni Cayetano sa harap ng media na patuloy nilang pinalalago ang sports na padel at marami ng probinsiya sa bansa ang nakakikilala ng larong ito.

“Patuloy naming pinalalakas ang grassroots program upang makalinang ng mga kabataang magiging mahusay na manlalaro ng padel,”wika ni Cayetano ng tanungin kaugnay sa kanilang programa para mapalakas ang sports na padel sa bansa.RICO NAVARRO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here