Home OPINION THE BIG ONE SUSUNOD NAMAN

THE BIG ONE SUSUNOD NAMAN

360
0

PWEDE bang susunod na maganap ang The Big One na lindol sa Mega Manila makaraan ang malakas na lindol sa Cebu?

Oo, sabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Malamang na susunod nga dahil may pagkakawig ang lindol sa Cebu at The Big One.

Pinaka sa pagkakahawig, mga Bro, ang panahon tuwing sila’y gagalaw.

Kada 400 taon.

Ang Cebu quake, naganap makaraan ang 400 taon at ang The Big One, kada 400 taon din at naganap ito noong

MAY pagkakahawig ang malakas na lindol sa Cebu at ang inaabangan nating The Big One sa mega-Manila.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, kumana ang lindol sa Cebu makaraan ang 400 taon.

Ang The Big One naman, gumagalaw ito nang malakas kada 400 taon din at noong 1658 o halos 400 taon na ngayon huling gumalaw.

May lindol kung mula sa bitak ng lupa sa ilalim ay may bababa at aangat naman ang sa kabila o kaya’y isa lang sa magkabilang panig ang aangat o bababa.

MAGKAIBA ANG LAKAS

Ayon sa Phivolcs, maglalaro sa magnitude 7.2 ang pwersa o enerhiya ng The Big One at mas malakas ito sa Cebu quake na magnitude 6.9.

Malinaw na mas malakas ang The Big One kaysa Cebu quake.

Sa Cebu quake, naging malakas ang intensity nito dahil mababaw lang ang pinagmulan nito.

‘Yun bang === nasa 5 kilometro lang mula sa ilalim ng lupa.

Tanong: Paano kung 5 kiometro lang din ang magiging lalim ng The Big One?

Alalahaning kitang-kita ang mga bitak nito sa Metro Manila at lalong alalahaning ang bitak ay mula sa Norzagaray, Bulacan hanggang ilang parte ng Laguna at Cavite.

Kung pinasayaw ng Cebu quake ang mga taong nakatayo roon, hindi kaya magkandahilo-hilo ang mga tao sa The Big One?

PATAY KA SA LINDOL

Habang tinitipa natin ito, mga Bro, hanggang 72 pa lang ang naitatalang namatay sa Cebu quake, nasa 300 ang nasugatan, 20,000 katao ang nawalan ng tahanan at nasa 171,000 ang naapektuhan sa kabuuan.

Sa The Big One, tinatayang nasa 34,000 ang agarang mamatay subalit maaaring aakyat ito sa 50,000 kung magaganap ito sa gabi na oras ng pagtulog ng mga tao.

Tiyak ding daang libo ang masusugatan at higit na malaki ang mawawalan ng tahanan at maaapektuhan ang mahigit 15 milyong nakatira sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.

Iba pa ang posibleng 100,000 kataong malulunod sa ragasa ng baha ng 30 metrong tubig mula sa Angat Dam.

TUMULONG SA CEBU, MAGHANDA SA THE BIG ONE

Ang Cebu quake, nandiyan na at wala tayong magagawa kundi ayudahan ang lahat ng naapektuhan, namatayan at nasugatn.

Sa The Big One, dapat tayong maghanda lahat.

Pero paano? Ang pamahalaan ang dapat na manguna sa paghahanda at isama na ang lahat ng mamamayan dito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here