Home HOME BANNER STORY Threshold ng botohan sa impeachment trial, itinutulak ibaba ng ilang Senador

Threshold ng botohan sa impeachment trial, itinutulak ibaba ng ilang Senador

5
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Sen. Juan Miguel Zubiri nitong Huwebes na may ilang senador na nag-iisip na ibaba ang 16-vote threshold para mahatulan o mapawalang-sala si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Nang magsimula ang paglilitis noong Hulyo 6, tatlong senator-judge na ang hindi nakadalo, ngunit nagpasya ang Senate impeachment court na mananatili ang two-thirds vote requirement para sa pinal na desisyon.

Matapos ang 21 araw ng paglilitis, sinabi ni Zubiri na may ilang kasamahan siyang nais muling talakayin ang voting threshold.

“There were some colleagues who would like to revisit the threshold… dahil kasi may mga nasa kulungan at isa pugante-at-large,” pahayag ni Zubiri.

Isa sa mga hindi nakadadalo ay si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na nagtatago mula pa noong Mayo 14 dahil sa arrest warrant ng International Criminal Court kaugnay ng alegasyong crimes against humanity.

Si Sen. Jinggoy Estrada naman ay sinuspinde ng Sandiganbayan ng 90 araw noong Hunyo 16 matapos maaresto noong Hunyo 1 dahil sa kasong plunder.

Samantala, inaresto si Sen. Rodante Marcoleta dahil sa plunder noong Hulyo 6.

Hindi rin nakadalo sa mga impeachment proceedings nitong Agosto si Sen. Loren Legarda dahil sa magkakasunod na medical leave. Ayon kina Zubiri at dating Sen. Panfilo Lacson, mayroon siyang “serious” medical condition. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here